Typhoon MINA updates




Issued At: 5:00 a.m., 27 August 2011
Valid Beginning: 5:00 a.m. today until 5:00 a.m. tomorrow


Forecast (English)
Northeastern Luzon will experience stormy weather while Central and the rest of Northern Luzon will have occasional rains with gusty winds. Southern Luzon and Visayas will have monsoon rains becoming widespread rains over the Western section which may trigger flashfloods and landslides.

Mindanao will be mostly cloudy with scattred rainshowers and thunderstorm. Moderate to strong winds blowing from the North to Northwest will prevail over Central Luzon and coming from the Southwest over the rest of the country. The coastal waters throughout the archipelago will be moderate to rough.

Forecast (Tagalog) 
Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng mga pag-ulan dulot ng habagat. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral at ang Look ng Maynila ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 25 anggang 30 antas ng celsius (77°F hanggang 86°F). Ang Hilagang-silangang Luzon ay makakaranas ng masungit na panahon samantalang ang Gitna at nalalabing bahagi ng Hilagang Luzon ay magkakaroon ng paminsan-minsang pag-ulan na may pagbugso ng hangin. 


Ang Katimugang Luzon at ang Kabisayaan ay magkakaroon ng mga pag-ulan dulot ng Habagat na magiging malawakan ang mga pag-ulan sa Kanlurang bahagi na maaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Mindanao ay magiging madalas na maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilaga hanggang Hilagang-kanluran ang iiral sa Gitnang Luzon at mula naman sa Timog-kanluran sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.


Source http://www.pagasa.dost.gov.ph/